Advertisement

Responsive Advertisement

DDS GALIT! VICE GANDA JETSKI JOKE, PINAPA-DECLARE PERSONA NON GRATA SA DAVAO

Linggo, Agosto 10, 2025

 



Umani ng matinding batikos mula sa mga tagasuporta ni dating Pangulong Rodrigo Duterte si Vice Ganda matapos magbiro tungkol sa free trip papuntang The Hague sa pamamagitan ng International Criminal Court (ICC) — isang malinaw na patama umano kay Duterte.


Ang biro ay binanggit sa isang comedy skit sa kanyang concert kasama si Regine Velasquez, kung saan sinabi ni Vice:


"Nothing beats a jet ski holiday! Ride now from Manila to West Philippine Sea by jet ski! Get unlimited water bombing from Chinese vessels and free trip to The Hague by ICC. Promo applies to DDS only! Pinklawans and BBMs are prohibited. Wag niyo akong subukan mga putng ina niyo!"*


Matapos kumalat ang video ng eksena, nanawagan ang ilang Duterte supporters na ideklarang Persona Non Grata si Vice Ganda sa Davao at maglunsad ng boycott laban sa kanya.


Sa Facebook, naglabas ng pahayag ang pro-Duterte blogger na Krizette Chu na nagsabing:

"The way you mocked PRRD at his lowest, I’m sure you won’t mind if we cheer and mock you when your karma comes. Millions of us will wait for it. I personally will not be supporting any brand that has Vice Ganda as their endorser… I’ll just let karma do its work."


Samantala, nagkomento rin ang British vlogger na Malcolm Conlan, na nagtanong kung paano nagiging katatawanan ang “sapilitang pagkakakulong ng isang dating pangulo.”


"Bilang komedyante, bahagi ng trabaho ko ang magpatawa at magbigay ng komentaryo sa nangyayari sa lipunan. Naiintindihan ko kung may mga taong hindi matutuwa, pero wala akong layunin na magdulot ng sama ng loob nang personal." -Vice Ganda


Muli na namang naging sentro ng kontrobersiya si Vice Ganda dahil sa matapang at diretsahang biro na umani ng sari-saring reaksyon mula sa publiko. Habang para sa ilan, ito ay simpleng satira, para naman sa iba, ito ay pambabastos sa isang lider na kanilang iginagalang. Ang insidenteng ito ay patunay na sa panahon ngayon, mabilis kumalat at lumaki ang isyu kapag may halong politika at personalidad.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento