Matapos ang ilang linggong usap-usapan, tuluyan nang kinumpirma ni Clyde Vivas ang kanilang breakup ng content creator at transwoman beauty queen na si Lars Pacheco. Sa kanyang social media post, ibinuhos ni Clyde ang kanyang saloobin at sakit na nararamdaman matapos ang pitong taong relasyon na puno ng pagmamahalan at alaala.
“Nakakalungkot lang na iniwan mo ko habang natutulog ako at nag iwan ka ng mahabang mensahe para sakin. Sana kinausap mo muna ako para alam ko lahat ng gagawin, pero ganun siguro talaga. Nawalan ka na din ng pagmamahal sakin, nagsawa ka na.”
Sa kanyang mensahe, inalala ni Clyde ang mga matamis na simula ng kanilang relasyon—mula sa kanilang unang chat hanggang sa kanilang unang pagkikita. Aniya, hindi niya makakalimutan ang kilig at kaba na dulot ng sandaling iyon.
“Sa loob ng 7 years na punong puno ng pagmamahalan, walang pinag sisihan, nirespeto, at inalagaan pinaglaban sa lahat... Naalala ko nga nung una tayong nagka-chat hanggang sa una tayong magkita. Hindi ko alam kung paano ako haharap na-eexcite na kinakabahan,” pagbabalik-tanaw ni Clyde.
Ngunit ang pinakamasakit para kay Clyde ay ang paraan ng kanilang paghihiwalay. Ayon sa kanya, iniwan siya ni Lars habang siya ay natutulog at isang mahabang mensahe lamang ang iniwan nito.
Sa kabila ng sakit, aminado si Clyde na si Lars ang nakapagpabago sa kanya at nagturo ng mas malalim na pagmamahal.
“Hindi ko lubos akalain na ikaw ang makakapagpabago sakin. Salamat sayo kase natuto akong magmahal ng sobra sobra higit pa sa sarili ko,” wika niya.
Ang breakup nina Clyde Vivas at Lars Pacheco ay nagbigay ng aral tungkol sa kahalagahan ng komunikasyon, respeto, at katapatan sa isang relasyon. Sa kabila ng sakit, pinipili ni Clyde na manatiling matatag at magpatawad, dala ang mga alaala ng kanilang pitong taong pagmamahalan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento