Advertisement

Responsive Advertisement

10-YEAR OLD BULLDOG NI DJ MO TWISTER BRUTAL NA PINATAY, LABIS ANG PAGHIHINAGPIS: "HIS LOSS IS HEARTBREAKING"

Huwebes, Agosto 28, 2025

 



Isang matinding dagok ang dumating sa buhay ng radio host at content creator na si DJ Mo Twister matapos bawian ng buhay ang kanyang 10-anyos na English Bulldog na si Bamboo. Ayon sa kanya, pinatay umano ito ng tatlong lalaki na nahuli pa sa CCTV habang ninanakaw ang kanyang alagang aso.


“This morning his dead body was found in the area of the person who stole him. Nowhere near my home, an impossible distance for an old and nearly blind Bulldog to reach,” dagdag pa ni Mo.


“Many of you knew Bamboo from Day 1… He was not just a pet, he was family. His loss is heartbreaking, but I want to thank everyone who has shown us love and support during this painful time. Bamboo will forever be in our hearts.” -DJ Mo Twister


Emosyonal na ibinahagi ni Mo sa Instagram kung paano naging malaking bahagi ng kanilang pamilya si Bamboo mula pa noong kinuha nila ito sa New York. Aniya, instant hit agad si Bamboo pinapansin ng kapitbahay at maging ng mga Hollywood celebs. Nang lumipat sila sa Las Vegas, nagsilbing tagapagbantay ng pamilya si Bamboo at naging protektor ng kanyang mga anak.


“Everyone in the neighborhood stopped to pet him, even the Hollywood celebs! We moved to Las Vegas and Bamboo saw us raise the kids and he became their protector – an incredible guard dog,” pagbabahagi ni Mo.


Habang tumatanda si Bamboo at humina ang paningin at pandinig, nanatili pa rin itong alerto at tapat sa kanilang pamilya.


Kwento ni Mo, nakita sa footage na kinuha ng tatlong lalaki ang kanyang aso sa isang construction site malapit sa kanilang bahay. Tinalian umano ito sa leeg at isinakay sa isang sasakyan.


Kinompronta niya ang mga lalaki at ipinakita ang ebidensya. Bagama’t inamin nilang ninakaw ang aso, sinabi nilang pinakawalan nila ito sa daan dahil sila’y nag-panic. Ngunit kinabukasan, natagpuan na lang nila ang bangkay ni Bamboo sa lugar kung saan nakatira ang isa sa mga suspek—malayo sa kanilang bahay at imposibleng marating ng isang matanda at halos bulag nang bulldog.


“This morning his dead body was found in the area of the person who stole him. Nowhere near my home, an impossible distance for an old and nearly blind Bulldog to reach,” dagdag pa ni Mo.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento