Advertisement

Responsive Advertisement

SARAH GERONIMO, MUNTIKAN NG HINDI MAKAPASOK SA CONCERT NI BILLIE EILISH DAHIL SA GREEN CROSS ALCOHOL

Sabado, Hulyo 19, 2025

 



Isang nakakatuwang karanasan ang ibinahagi ng Popstar Royalty na si Sarah Geronimo at asawa niyang si Matteo Guidicelli sa kanilang pagdalo sa concert ni Billie Eilish sa London, England nitong July 15, 2025.


“Nakakatawa talaga! Sa simpleng Green Cross, muntik pa kaming ma-late sa concert. Pero worth it naman lahat ng pagod at lipad. Sarah really loved the show and we’re happy we made it in time alcohol and all!” -Sarah Geronimo


Habang pumipila papasok sa O2 Arena para sa Hit Me Hard and Soft Tour ni Billie Eilish, na-hold sandali si Sarah sa security inspection dahil sa dala niyang maliit na botelya ng alcohol hindi alak, kundi Green Cross na hand sanitizer!


Ayon mismo kay Matteo, sa kanyang Instagram Reel post, naguluhan ang security guard nang makita ang dala ni Sarah. Tinanong kung ano ito at sinabi ni Sarah:


“Alcohol.”


Dahil doon, agad siyang sinabihan ng security personnel:


“It’s not allowed in there.”


Mabilis namang nag-rescue si Matteo at nilinaw:


“Hand sanitizer.”


Sa huli, pinayagan naman silang makapasok kasama ang Green Cross alcohol.


Natawa na lang si Sarah sa pangyayari dahil simple lang naman ang bitbit niya ngunit pinagdudahan pa ito na alak!


Ang kwento nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli ay simpleng paalala na kahit sa malalaking events at malalayong lugar, dala-dala pa rin ng mga Pilipino ang pagiging masinop at maalaga kahit sa maliit na bagay tulad ng hand sanitizer.


Pinapatunayan din nito na kahit celebrities, may mga simpleng funny moments din na ikinatuwa ng maraming netizens. Sa kabila ng isyu, ang mahalaga ay nakapanood sila ng concert ng idolong si Billie Eilish at nag-enjoy.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento