Advertisement

Responsive Advertisement

OGIE DIAZ, NAGBIGAY NG PAYO TUNGKOL SA PAGKANTA NINA FYANG AT CHLOE: “UNAWAIN NA LANG NATIN SILA, MASAYA SILA EH!”

Huwebes, Hulyo 3, 2025

 



Nagbigay kalmadong payo ang batikang showbiz insider at talent manager na si Ogie Diaz kaugnay sa pagpasok sa music industry ng mga celebrity na sina Fyang Smith at Chloe San Jose.


“Sa panahon ngayon, kung ‘yung simpleng pagkanta ng artist mo ay nakakapagpasaya ng fans, bakit mo pipigilan? Basta may effort na gumaling, suportahan na lang.” -Ogie Diaz 


Matatandaang parehong nag-launch ng kanilang debut albums ang dalawa kamakailan, kaya’t hindi naiwasan ang paghihirit ng netizens na sana ay magka-collab na sila. Pero hindi rin nakaligtas si Fyang sa pambabatikos online, lalo na’t lumutang ang video clips ng kanyang dance number at pag-awit ng ilang hit songs ni Popstar Royalty Sarah Geronimo sa sariling album launch.


Sa “Showbiz Updates” vlog na lumabas noong Hunyo 26, diretsahan pero may halong biro ang naging komento ni Ogie:


“Ayoko na silang problemahin. Kasi ‘pag pinroblema ko pa sila, dadagdag pa ‘yan sa mga problema ko, ‘di ba?”


Imbes na makisali sa pangba-bash, pinili ni Ogie ang mas positibong pananaw, lalo’t kita naman daw na masaya ang dalawa sa ginagawa nila.


“Mas magandang unawain mo na lang sila kung bakit nila ginawa ‘yon—kasi nga, happy sila; kasi nga marami silang fans na napapasaya.”


Bilang isang talent manager, naniniwala si Ogie na mahalaga ang kasiyahan ng fans, basta’t may effort din ang artist sa pag-improve.


“Sa isang kondisyon, kailangan aralin maigi. Kailangan mag-voice lesson ka nang bonggang-bongga,” dagdag niya.


Ang pahayag ni Ogie Diaz ay paalala sa lahat ng netizens na hindi lahat ng bagay kailangang pintasan. Sa industriya ng showbiz, may mga artista na sumusubok sa bagong landas hindi para ipagyabang ang talento, kundi para magbigay saya at inspirasyon sa kanilang tagasuporta.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento