Advertisement

Responsive Advertisement

"NAPAPAGOD NA AKO" VICE GANDA, GUSTO NA NG MAS SIMPLE BUHAY AT MALIIT NA TAHANAN

Linggo, Hulyo 27, 2025

 



Ibinahagi ni Vice Ganda na mas nais na niyang tumira sa mas maliit at mas simpleng bahay kasama ang kanyang partner na si Ion Perez. Ayon sa sikat na komedyante, hirap at pagod na rin siyang panatilihin ang malaking bahay na kasalukuyan nilang tinitirhan.


Sa isang panayam kay MJ Felipe para sa TFC show na “Are You G?”, inamin ni Vice na nag-iba na ang pananaw niya sa bahay at tagumpay habang tumatanda.


“Gusto ko na ng mas maliit na bahay. Gusto ko na ng mas simple lang,” wika ni Vice.


Para kay Vice, hindi na kasing-laki ng dati ang pangarap niya pagdating sa ari-arian.


“Siguro ‘yung state of mind mo, nag-iiba habang tumatanda ka. Siyempre ‘nung wala ka pa, malaki ‘yung pangarap mo. Pero ngayon, gusto ko na lang ng basic,” aniya.


Ibinahagi rin ni Vice na napapagod na siyang mag-maintain ng malalaking bahay, at minsan pa nga ay tila nagkakataguan sila ni Ion dahil sa laki ng bahay.


“Napapagod ako. Dapat mas maliit na lang bahay natin para hindi tayo nagtataguan,” dagdag niya.


Kinuwento ni Vice ang realidad ng pagkakaroon ng malaking bahay—na bukod sa magastos, ito rin ay mahirap i-maintain.


“Magastos, ang hirap niyang i-maintain. Kahit anong ganda ng bahay mo, may masisira’t masisira. Hindi pala natatapos ang pagpapagawa. Ngayon mas gusto ko na ang simple at manageable na bahay. Hindi naman sukatan ng tagumpay ang laki ng tahanan. Ang mahalaga, masaya ka sa loob nito.”

pagbabahagi niya.


Ang pahayag ni Vice Ganda ay nagpapakita na ang tagumpay ay hindi nasusukat sa laki ng bahay o ari-arian, kundi sa ginhawa at kasiyahan na dulot nito. Habang tumatanda, nagiging malinaw na ang tunay na yaman ay ang simpleng buhay na hindi nagpapahirap sa isip at katawan.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento