Advertisement

Responsive Advertisement

SAKRIPISYO NG PAWIKAN: GINISING ANG KAMALAYAN SA PANGANGALAGA NG KALIKASAN, ENVIRONMENTAL ACTIVIST NAGPROTESTA

Lunes, Hunyo 23, 2025

 



 

Isang nakakalungkot na insidente ang muling yumanig sa puso ng mga tagapangalaga ng kalikasan matapos matagpuan ang isang patay na pawikan sa ilalim ng karagatan malapit sa Helicopter Island nitong Lunes, Hunyo 16. Ayon sa ulat ng isang diver na nakakita sa hayop, ang sanhi ng pagkamatay nito ay malubhang pinsala mula sa propeller ng bangka.


“Masakit sa puso na makita ang isang hayop na walang laban, nasawi dahil sa kapabayaan natin. Sana ito na ang huling beses. Kailangan na nating kumilos bago pa mahuli ang lahat.” -Environmental Activist


Ang mga pawikan, na itinuturing na endangered species, ay may mahalagang papel sa ekosistema ng karagatan. Kaya naman nababahala na ang mga nature at climate advocates sa sunod-sunod na insidente ng pagkamatay ng mga hayop sa dagat isang senyales na may dapat nang gawin ang bawat isa upang mapangalagaan ang kalikasan.


Ayon sa diver na nakakita sa insidente:

“Ramdam ko ang bigat ng eksenang 'yon. Isa na namang inosenteng nilalang ang nasawi dahil sa kapabayaan. Hindi ito dapat maging normal.”


Marami sa mga grupo ng environmental activists at divers sa Palawan ang nananawagan na paigtingin ang regulasyon sa mga bangkang pumapasok sa mga marine sanctuary at diving sites. Kabilang dito ang pagpapatupad ng speed limits, paglalagay ng propeller guards, at pagbibigay ng tamang training sa mga bangkero.


Ang mga pawikan ay tumutulong sa pagpapanatili ng balanse sa marine ecosystem, lalo na sa paglilinis ng seagrass beds at coral reefs. Kaya’t ang bawat nawalang pawikan ay isang dagdag na panganib sa buong ekosistema ng dagat.


Ang pagkamatay ng pawikan sa El Nido ay hindi lamang isang isolated case kundi bahagi ng isang mas malawak na problema sa ating ugnayan sa kalikasan. Sa bawat lumulubhang sitwasyon, mas lumalalim ang pangangailangan na kumilos nang sama-sama upang protektahan ang ating kalikasan.


Panahon na upang magising ang lahat mga bangkero, turista, mangingisda, at pamahalaan na ang karagatan ay hindi lamang para sa tao, kundi tahanan din ng maraming buhay na nilalang na kailangan nating pangalagaan.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento