Advertisement

Responsive Advertisement

PAMBANSANG YOBAB DUMEPENSA SA VIRAL FOOD REVIEW: “HINDI KO INTENSYON MANIRA O MANGBASTOS”

Linggo, Hunyo 8, 2025

 



Naglabas ng masinsinang paliwanag si Euleen Castro, mas kilala sa social media bilang Pambansang Yobab, kaugnay sa kanyang viral na review tungkol sa isang sikat na café sa Iloilo. Matapos siyang batikusin ng ilang netizens at Ilonggo viewers dahil sa kanyang komentong “hindi masarap” at “lahat tab-ang,” humarap si Yobab sa camera upang linawin ang kanyang panig.


Sa isang bagong video na in-upload niya sa YouTube, ipinaliwanag ni Yobab na wala siyang masamang intensyon at ang kanyang mga sinabi ay batay lamang sa sariling panlasa.


“Hindi ko sinabing huwag puntahan. Hindi ko sinabing magsara kayo. Expression ko lang talaga ’yon,” ani Yobab.

“Wala akong minura, hindi ko ininsulto ’yung staff o ’yung café.”


Aminado rin siyang nagkulang siya sa maayos na pagpapahayag ng kanyang opinyon at humingi ng patawad sa mga nasaktan ng kanyang sinabi.


“’Yun ang pagkukulang ko at ’yun ang ihihingi ko ng pasensya. Lalo na sa mga chef, barista, server, at sa mismong owner ng café.”


Bagama’t humingi siya ng paumanhin, nanindigan si Yobab sa kanyang review. Sinabi niyang hindi niya sinadyang manira o mambastos, kundi gusto lang niyang ibahagi ang totoo niyang karanasan bilang isang customer.


“Pasensya na po kayo kung pakiramdam n’yo nabastos kayo. Hindi ko po mini-mean na bastusin kayo. Ang gusto ko lang po, sabihin kung ano ’yung totoo kong nalasahan.”


Nilinaw din niyang hindi niya kailanman inisip na magdulot ng kapahamakan sa negosyo ng café.


“Hindi ko po hiningi na magsara ’yung café. Alam ko po kung gaano kahirap ang trabaho n’yo d’yan.”


Ang isyu ng panlasa at feedback ay patuloy na nagiging mainit na paksa sa social media. Sa kaso ni Euleen Castro, napatunayan na mahalaga ang tamang paghahatid ng opinyon at pagrespeto sa pinaghirapan ng iba, lalo na sa food industry.


Bagama’t may kalayaan tayong lahat na magpahayag, dapat rin nating isaisip ang epekto ng ating mga salita, lalo na sa mga taong nagtatrabaho para sa kanilang kabuhayan.


“Hindi po perpekto ang pagkakabigay ko ng opinyon, pero sinisikap kong matuto. Sana po maintindihan n’yo rin ako,” ani Yobab sa dulo ng kanyang video.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento