Advertisement

Responsive Advertisement

MISS INTERNATIONAL NOON, DIPLOMA HOLDER NA NGAYON: LARA QUIGAMAN, GRADUATED WITH HONORS SA CANADA

Sabado, Hunyo 21, 2025

 



Isang panibagong tagumpay ang naabot ng dating Miss International 2005 at aktres na si Lara Quigaman matapos niyang makapagtapos ng Diploma in Early Childhood Education with distinction mula sa Langara College sa Vancouver, British Columbia, Canada.


“God has not only answered that prayer—He has done far more than we could have imagined, and He continues to work in us and through us. All this is because of Him.” -Lara Quigaman 



Lumipad si Lara patungong Canada noong nakaraang taon kasama ang kanyang asawa na si Marco Alcaraz at ang kanilang tatlong anak na sina Noah, Tobias, at Moses upang magsimula ng panibagong buhay.


Sa isang emosyonal na Instagram post, ibinahagi ni Lara ang kanilang mahirap ngunit makabuluhang journey sa pag-abroad. Aniya, ang desisyong iwan ang kanilang buhay at karera sa Pilipinas ay hindi naging madali, ngunit ito ay sinunod nila dahil sa pangarap na matagal na nilang pinagdadasal.


“Our family has always prayed that God would lead us to a place where we could be closer to one another and to Him—wherever that may be, no matter how difficult the path,” ani ni Lara.


Ang diploma na natanggap niya ay bunga ng dedikasyon, sakripisyo, at pananalig nila bilang isang pamilya. Sa kabila ng mga pagsubok ng pagtira sa ibang bansa, pinatunayan ni Lara na walang imposible sa taong may pananalig at determinasyon.


“Today is the beautiful result of every sacrifice and challenge we’ve faced and overcome by His grace… All this is because of Him. To Him alone belongs all glory, honor, and praise. Thank You, Jesus!”


Ang kwento ni Lara Quigaman ay patunay na hindi natatapos ang pangarap sa isang korona o titulo. Sa paglipas ng panahon, nagbabago ang direksyon ng ating buhay—at ang mahalaga ay ang tapang na harapin ito at ang pananampalatayang hindi bumibitaw. Sa kabila ng lahat, si Lara ay nanatiling mapagpakumbaba at inspirasyon sa maraming Pilipino na nangangarap ng mas magandang kinabukasan para sa pamilya.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento