Sa isang panayam sa kanyang sariling podcast, binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang layunin na mag-iwan ng makabuluhang pamana sa mga Pilipino sa pagtatapos ng kanyang termino sa 2028.
Ayon sa kanya, ang tanging hangarin niya ay magdulot ng malaking pagbabago tungo sa mas magandang buhay para sa bawat mamamayan—isang layunin na naging gabay niya sa lahat ng kanyang ginampanang posisyon sa pamahalaan.
“So I absolutely insist that in 2028, when I leave this office, there are significant, tangible changes for the better in the life of each Filipino. Ayokong masabing nagsilbi ako nang walang naidulot na kabutihan. We made a change for the better. This has been my guide in all the positions I have taken,” pahayag ni Pangulong Marcos.
Dagdag pa niya, isa sa mga pinakamasaklap na maaaring mangyari sa isang opisyal ay ang umupo sa puwesto at umalis nang walang naiambag sa kapakanan ng bayan. Kaya naman buo ang kanyang determinasyon na bago siya bumaba sa puwesto sa 2028, ay may mga konkretong pagbabago na ramdam sa araw-araw na buhay ng bawat Pilipino.
“I absolutely insist that in 2028, when I leave this office, there are significant, tangible changes for the better in the life of each Filipino,” ani pa ng Pangulo.
Ang pahayag ni Pangulong Marcos Jr. ay isang paalala ng kanyang layunin bilang pinuno: hindi lamang manatili sa puwesto, kundi mag-iwan ng positibong pagbabago. Sa gitna ng mga hamon, nananatili siyang matatag sa paniniwalang dapat ay maramdaman ng bawat Pilipino ang bunga ng kanyang panunungkulan.
Sa paglalakbay patungong 2028, inaasahan ng marami na ang mga pangako ay maisasakatuparan isang Pilipinas na mas maginhawa, maunlad, at makatarungan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento