Advertisement

Responsive Advertisement

DOH NAKABABAHALANG DAMI: 40% NG HIV CASES SA QC AY MGA ESTUDYANTE

Martes, Hunyo 10, 2025

 



Naglalaro sa delikadong linya ng realidad ang datos na inilabas kamakailan ng Quezon City Health Department: mula Enero hanggang Mayo 2025, 421 bagong kaso ng HIV ang naitala sa lungsod. Sa bilang na ito, 149 ay nasa edad 15 hanggang 24, at nakakagulat na 40% sa kanila ay mga estudyante.


“Akala ko ‘di totoo. Hindi ko rin alam paano ko nakuha, pero isa lang ang alam ko ngayon: sana mas maaga akong nakaalam. Sana may nagsabi sa’kin nang diretso at malinaw. Hindi ko gugustuhin na may sumunod pa sa sinapit ko.” -Pahayag Mula Sa Isang Estudyanteng HIV Positive


Ito ay 2.43% na pagtaas kumpara sa parehong panahon noong nakaraang taon.


Ayon kay Mayor Joy Belmonte, ginagawa ng pamahalaang lungsod ang lahat upang matiyak na ang mga tinamaan ay tumatanggap ng nararapat na gamutan.


“Pinaprioritize po namin ang access sa treatment para sa lahat, lalo na sa mga kabataan. Libre po ang testing, counseling at gamot sa ating mga Social Hygiene Clinics,” pahayag ni Mayor Belmonte.


Ang datos na ito ay tumutugma rin sa mas malawak na ulat ng Department of Health (DOH) kung saan naitala ang 5,101 bagong kaso ng HIV at 145 HIV/AIDS-related deaths sa buong bansa sa unang quarter ng 2025. Ito ay halos 50% pagtaas mula sa 3,409 kaso sa parehong panahon noong nakaraang taon.


Dagdag pa ni DOH Secretary Teodoro Herbosa,


“Mas malaki po ang banta ng HIV sa ngayon kaysa monkeypox. Kailangan na nating ideklarang national public health emergency ito para sama-samang makilos ang buong lipunan.”


Habang patuloy na dumarami ang kaso ng HIV, hindi sapat ang pagtugon kung ang kaalaman ay mananatiling kulang. Kinakailangan ang sama-samang aksyon ng pamahalaan, paaralan, magulang at kabataan upang labanan hindi lamang ang virus, kundi pati na rin ang kakulangan sa edukasyon at tamang impormasyon.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento