Isang 44-anyos na bulag na masahista ang inaresto matapos umano nitong gahasain ang isang 22-anyos na babaeng kapwa may kapansanan sa paningin sa loob ng isang halfway house sa Barangay Apas, Cebu City, madaling-araw ng Mayo 23.
“Hindi ko akalain na sa lugar kung saan ako dapat ligtas, ay doon pa ako nawalan ng dignidad. Sana po ay wala nang ibang makaranas ng ganito, at sana po makamit ko ang hustisya na nararapat para sa akin.” - Pahayag ng biktima
Ayon sa ulat ng pulisya, pareho ang biktima at ang suspek na pansamantalang naninirahan sa nasabing pasilidad, na nagsisilbing tirahan ng mga persons with disability (PWD) habang sila ay nasa ilalim ng rehabilitasyon o pansamantalang inaalagaan.
Sa salaysay ng biktima sa mga awtoridad, pinasok umano siya ng suspek sa silid at sapilitang inangkin habang siya ay walang kalaban-laban. Tinakot pa raw siya ng suspek na papatayin kung siya ay sisigaw o hihingi ng tulong.
Matapos ang insidente, agad na nagsumbong ang biktima sa mga staff ng halfway house na agad namang tumawag ng pulis. Dakong 1:35 ng hapon, naaresto ang suspek sa pamamagitan ng citizen’s arrest, at dinala ito sa Mabolo Police Station para sa imbestigasyon.
Kumpirmado ng biktima ang pagkakakilanlan ng suspek at personal itong nagtungo sa istasyon upang ibahagi ang nangyaring karanasan na aniya'y labis na nagpabigat sa kanyang kalooban.
Ang insidenteng ito ay nagpapakita ng matinding pangangailangan ng seguridad at proteksyon sa loob mismo ng mga pasilidad na dapat ay nagbibigay ng kalinga sa mga may kapansanan. Sa kabila ng kaparehong kalagayan, ang pag-abuso sa tiwala at pisikal na dangal ng isang tao ay hindi kailanman matutumbasan ng kapansanan bilang dahilan o dahilan ng pangungunsinti.
Nararapat lamang na bigyang hustisya ang biktima at masusing suriin ng mga institusyon ang kanilang mga patakaran sa seguridad, lalo na sa mga pasilidad na tumutugon sa mga vulnerable na miyembro ng lipunan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento