Advertisement

Responsive Advertisement

PASTOR QUIBOLOY, HUMILING NG MANUAL RECOUNT SA SENATORIAL RACE: “HINDI ITO PAGTUTOL SA DEMOKRASYA, GUSTO KO LANG PATAS ANG LAHAT”

Miyerkules, Mayo 14, 2025


 

Nagpasalamat man si Pastor Apollo C. Quiboloy sa milyon-milyong Pilipinong sumuporta sa kanyang kandidatura sa pagka-senador, iginiit ng kanyang kampo na hindi pa tapos ang laban. Sa isang pahayag na ipinost sa Facebook ng kanyang tagapagsalita na si Atty. Israelito Torreon, nanawagan si Quiboloy ng isang manual recount sa boto ng mga senador sa gitna ng umano'y mga iregularidad sa halalan.


“On behalf of Pastor Apollo C. Quiboloy, we sincerely thank the millions of Filipinos who supported his senatorial bid,” pahayag ni Torreon.

“Pero ang ating laban ay hindi natatapos sa eleksyon.”


Binanggit sa naturang pahayag ang mga sumusunod na isyu:


Overvoting anomalies

Inconsistencies sa pagbasa ng balota

Iba pang electoral irregularities


Dahil dito, nananawagan ang kampo ni Quiboloy ng mano-manong pagbibilang ng boto para masiguro ang integridad ng resulta ng eleksyon.


“This is not a rejection of our democratic process, but a call to strengthen it,” dagdag pa ng abogado.


Tiniyak ng kampo ni Quiboloy na kanilang gagamitin ang lahat ng legal na paraan upang tiyakin na bawat boto ay mabilang nang tama at walang balotang masasayang o madadaya.


“We remain committed to seeking justice, and we will pursue all legal avenues to ensure the integrity of every vote cast,” ayon pa sa pahayag.


Bagama’t hindi pinalad sa pagka-senador sa initial results, hindi pa tapos ang laban ni Pastor Apollo Quiboloy. Sa halip na magpahinga, mas pinili ng kanyang kampo na hamunin ang resulta sa legal na paraan upang mapalakas ang tiwala ng mga tao sa halalan.


Ang panawagan para sa manual recount ay hindi lang tungkol sa pagkapanalo, kundi sa paniniguro na bawat boto ay may saysay at respeto. Sa huli, ang ganitong hakbang ay bahagi ng demokrasya kung saan ang karapatan ng bawat botante ay dapat ingatan at ipaglaban.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento