Sa gitna ng matinding laban niya sa sakit, binasag na ni Kris Aquino ang katahimikan kaugnay sa mga kumakalat na espekulasyon na siya ay kinulam umano o isinumpa—isang dahilan daw ng kanyang lumalalang kondisyon.
Sa isang Instagram post nitong Sabado, Mayo 10, mariin niyang itinanggi ang haka-hakang may kinalaman sa anomang "kulam" o espiritwal na karamdaman ang pinagdadaanan niya.
“Matagal ko nang gustong tumira sa tabing-dagat kasi ‘yung simoy ng hangin sobrang nakakatulong,” panimula ni Kris.
“Bukas na lang after my PET scan I will tell you the TRUTH because I am so tired of seeing I am dead, na itong healer ang may solusyon, na may kumulam sa ‘kin—please STOP.”
Nilinaw ng Queen of All Media na seryosong sakit sa immune system ang dahilan ng kanyang paghina. Matagal nang alam ng publiko na siya’y may multiple autoimmune diseases gaya ng Lupus, Eosinophilic Granulomatosis with Polyangiitis (EGPA), at iba pa.
Sa kabila ng lahat, nananatili pa rin ang pananampalataya ni Kris sa Diyos.
“My faith in God’s mercy, in the salvation from Jesus Christ becoming man, and in Mama Mary’s mantle of protection—it remains strong.”
Hinimok din niya ang mga tagasubaybay na manalangin hindi lang para sa kanya kundi para sa lahat ng nakararanas ng matinding sakit at paghihirap.
Sa panibagong yugto ng kanyang laban, pinatunayan muli ni Kris Aquino na totoong lakas ay nasa katotohanan, pananampalataya, at determinasyon. Hindi siya magpapatalo sa mga tsismis o maling impormasyon, kundi pipiliing manatili sa landas ng katotohanan at pag-asa.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento