Usap-usapan ngayon sa social media ang pinakabagong post ni Kathryn Bernardo na tila naglalaman ng patama kay Andrea Brillantes, na mas kilala sa tawag na "Blythe," at sa kanyang rumored ex-boyfriend na si Daniel Padilla. Matagal nang umaalingawngaw ang balita tungkol sa diumano'y hiwalayan ng tambalang KathNiel, na isinisi ng ilang netizens sa pagkakadawit ni Andrea bilang "third party" sa relasyon nina Kathryn at Daniel.
Sa isang post, nagbahagi si Kathryn ng mga litrato ng kanyang sarili na kasama ang isang pangala na 'Martha Blythe"
Marami ang nagtatanong kung ang post ba ay direktang patama kay Andrea at Daniel, lalo na't kasabay nito ang pagsulpot ng mga balitang may espesyal na relasyon umano sina Daniel at Andrea sa likod ng camera.
Isa sa mga pinakakontrobersyal na usap-usapan ay ang diumano’y involvement ni Andrea Brillantes bilang third party. Ayon sa ilang sources, si Andrea umano ang dahilan ng mas malalim na hindi pagkakaunawaan nina Kathryn at Daniel, bagay na mariin namang itinatanggi ng kampo ni Andrea.
Ang cryptic post ni Kathryn ay nagdulot ng sari-saring reaksyon mula sa netizens. Narito ang ilan sa mga komento:
"Para kay Blythe ata 'yan. Mas maganda nga naman na tahimik na lang ang buhay at iwas sa gulo."
"Kung totoo man ang balita, ang sakit siguro kay Kathryn. Pero sana mag-move on na siya at mag-focus sa sarili."
"Huwag nating husgahan agad si Andrea. Malay natin, wala naman pala siyang kinalaman."
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento