Advertisement

Responsive Advertisement

Raquel Pempengco, Binanatan Ang Anak! "Hindi Matatakasan Ang Utang Na Loob Ng Isang Pilipino Sa Magulang!"

Martes, Setyembre 24, 2024

 



Malakas ang paniniwala ni Raquel Pempengco, ina ng sikat na singer na si Jake Zyrus (dating si Charice Pempengco), na hindi magtatagumpay ang mga anak na tuluyang tumatalikod sa kanilang mga magulang. Sa kanyang viral na social media post, ipinahayag ni Mrs. Pempengco ang kahalagahan ng pagpapahalaga sa “utang na loob” at ang koneksyon ng isang anak sa kanyang magulang.


Ayon kay Mrs. Pempengco, kahit pa gaano katagumpay ang isang tao, mananatiling may kulang sa buhay kung putol ang relasyon nito sa kanyang mga magulang. “Kahit gaano ka pa ka-successful sa buhay kung hindi mo kaagapay ang magulang mo, parang may kulang pa rin,” ani ni Mrs. Pempengco.


Dagdag pa niya, bagaman hindi obligasyon ng mga anak na mag-alaga sa kanilang mga magulang, naniniwala siyang hindi matatakasan ng mga Pilipino ang “utang na loob” sa kanilang mga magulang. Aniya, “Yes, hindi obligasyon ng ANAK ang MAGULANG, pero dahil FILIPINO tayo at kahit saan ka pang lupalop lumaki basta nananalaytay pa rin ang dugong Pinoy, hindi mo matatakasan ang culture ng UTANG NA LOOB.”


Binigyang-diin din ni Mrs. Pempengco na ang magulang ay hindi maihahambing sa asawa o nobyo na maaaring iwanan o palitan. “Ang asawa at jowa ay mapapalitan, iiwanan ka, pero ang MAGULANG andiyan babalik-balikan,” dagdag pa ni Raquel.


Nagbigay rin siya ng paalala sa lahat, na nakapaloob sa Sampung Utos ng Diyos ang “IGALANG MO ANG IYONG MAGULANG,” na nagpapahiwatig ng halaga ng pagkakaroon ng respeto sa mga magulang.


Matatandaan na si Jake Zyrus, na dating kilala bilang Charice Pempengco, ay matagal nang hindi nagpaparamdam sa kanyang ina. Ang isyu ng kanilang alitan ay naging usap-usapan sa media at social media, ngunit nanatiling tahimik si Jake sa isyu ng kanilang relasyon. Sa kabila ng kanilang personal na isyu, umaasa si Mrs. Pempengco na balang araw ay magbalik ang kanyang anak at muling mabuo ang kanilang pamilya.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento