Subscribe Us

Advertisement

Responsive Advertisement

Bagong Rebelasyon Ng Ginawa Kay Kim Chiu Ni Xian Lim Bago Sya Hiniwalayan Ikinagulat Ng Publiko!!

Huwebes, Marso 7, 2024

 


Nagpaabot ang maraming netizens sa kanilang simpatya para sa aktres na si Kim Chiu. Ipinahayag ni Ogie Diaz sa kanyang vlog na Ogie Diaz showbiz update sa YouTube ang tungkol sa paghihiwalay ni Kim at ng boyfriend na si Xian Lim na nagtagal ng halos 12 taon ang relasyon. Lumabas na bagaman may balak nang makipaghiwalay si Xian sa kanya, nagpaluto pa rin ito ng kanyang paboritong steak kay Kim.


Sa isang YouTube video na inilabas ni Ogie Diaz, dito nila binanggit kasama si mama loy at Mrena ang impormasyon mula sa kanilang source na si Xian Lim ay nagpaluto muna ng kanyang paboritong steak kay Kim Chiu bago niya ibinigkas ang magic word na gusto na niyang makipaghiwalay sa aktres. Parang may temang final meal o last supper daw ang kanilang naging dinner.


Ayon kay Ogie sa kanyang vlog, "hindi man sinabi sa atin kung bakit sila naghiwalay, pero nakarating sa akin kung paano sila naghiwalay. Nakarating sa akin, at pwede itong ideny ni Kim Chiu at ni Xian Lim. Hindi ko alam kung gaano katotoo ang kwento na isang araw, nag-request si Xian Lim kay Kim Chiu na ipagluto siya ng kanyang paboritong steak. So si Kim Chiu ay excited na nagluto ng steak. At siyempre, dumating si Xian Lim, nag-usap sila, kumain ng steak hanggang sa biglang sinabi ni Xian Lim na tapusin na natin ang ating relasyon, parang wala rin namang patutunguhan. Ayaw din naman sa akin ng family mo at ng iba mong friends."


Gayunpaman, nilinaw ni Ogie na ito ay base lamang sa kwento ng isang kaibigan at maaaring kulang o sobraan ang detalye. May kalayaan naman daw sina Kim at Xian na magpaliwanag tungkol dito. Samantala, bukod sa nakakagulat na paraan ng paghihiwalay ni Xian kay Kim, ibinahagi rin sa vlog ni Ogie Diaz na muli na namang nakitang magkasama sina Xian Lim at ang rumored girlfriend nitong Fil-producer na si Iris Lee na magkaholding-hands habang naglalakad sa Bangkok, Thailand, at sweet din daw kapag sila ay nasa hotel.


Base sa ulat, ang dalawa ay naroon para sa location hunting ng horror film na gagawin nila. Si Xian Lim ang magdidirek ng pelikula habang si Iris ang producer. Bagaman wala pang opisyal na pag-amin mula kina Xian at Iris na sila ay nasa isang relasyon, ilang beses na rin silang nakitang magkasama at magkahawak-kamay sa mga lugar.


Samantala, naniniwala ang maraming netizens na si Kim Chiu ay patuloy nang nakamove-on mula sa kanyang relasyon kay Xian sa tulong ng kanyang mga kaibigan sa showbiz at mga kasama niya sa Showtime. Maalala na sa isang episode ng Expecially for you segment sa Showtime, binanggit ni Kim na kung totoo ang pagmamahal mo sa isang tao, hindi mo ito iiwan, at kung iniwan ka na, bakit mo pa babalikan.




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento