Vice Ganda May Pasabog Sa Madlang People!

Huwebes, Oktubre 5, 2023


Hindi man nakadalo si Unkabogable Star Vice Ganda sa mismong awarding ceremony sa pagtatapos ng Philippine Cinema month na inorganisa ng Film Development Council of the Philippines.


Natanggap naman nito ang tropeo kinabukasan sa noontime show na It's Showtime.


Nagbigay si Vice ng talumpati at nagbigay pugay sa isang taong malapit sa kanyang puso ang yumaong direktor na si Wenn Deramas na nagdirek ng karamihan sa mga naunang pelikula niya at nagpaukit sa pangalan ni Vice Ganda sa industriya.




Sa bahagi ng talumpati ni Vice Ganda, inalala ni Vice Ganda ang sinabi ng ilang kritiko na pangit at basura ang kanyang pelikula.


Pero ipinagmamalaki ng komedyante na nagsisilbing ginhawa ang kanyang mga pelikula sa kalungkutan na nararanasan ng maraming Pilipino, lalo na sa panahon ngayon.


"Marami ang nagsasabi na ang papangit ng pelikula ko, ang babasura ng pelikula ko pero ito ang pinagmamalaki ko sa panahon na bagsak na bagsak ang mga pilipino."



"Dahil ang mga pelikula ko ang ginawang pangtakas ng mga pilipino sa nararamdaman nilang lungkot" saad ni Vice Ganda sa kanyang talumpati.


Matatandaang inatake ng abogadong si Atty Ferdinand Topacio si Vice Ganda na walang kwenta ang kanyang mga pelikula.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento