Drag Queen Arestado Pura Luka Vega, Nanghihingi Ng Pangpiyansa!

Huwebes, Oktubre 5, 2023


Maraming netizens ang natuwa nang arestuhin ang drag queen na si Pura Luka Vega matapos hindi dumalo sa preliminary investigation ng kasong kriminal na isinampa laban sa kanya sa Maynila.


Inilabas ang warrant of arrest kahapon sa kabila ng paghahain ng motion for reconsideration. Habang hindi makapagpiyansa, mananatili sa kulungan si Pura Luka, humihingi ng piyansa ang team nito.


Nauna na siyang idineklara na persona non grata ng Maynila dahil sa kontrobersyal na Ama Namin (Our Father) performance.


Matatandaang trending ang video ng nasabing performance ni Pura Luka Vega habang nakasuot ito ng pang-Santo.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento