Subscribe Us

Advertisement

Responsive Advertisement

Pinay, Nanalo Ng P387,000 Kada Buwan Sa Loob Ng 25 Taon Sa Fast5 Emirates Draw!

Biyernes, Oktubre 6, 2023


Ano ang gagawin kung ikaw ay mapalad na makatanggap ng milyun-milyon sa loob ng 25 taon. Ito ang viral at success story ng isang Pinay na nakatira sa United Arab Emirates na nakahanap ng suwerte sa pagsali sa sikat na raffle draw.


Namangha ngayon ang maraming netizens dahil nanalo lang naman it ng 25,000 dirhams sa loob ng 25 taon. Kung saan tinatayang nasa mahigit 387,000 pesos kada buwan o tumataginting na 4.6 million pesos kada taon.


Kinilala ang masuwerteng Pinay na si Freilyn Angob, 32 taong gulang. Siya ang pangalawang nagwagi ng grand prize sa FAST5 Emirates Draw.



Maraming mga kababayan ang natutuwa sa tagumpay na natamo ni Freilyn dahil marami rin ang naging inspirasyon ng kanyang buhay. Problema rin ang financial stability nila, lalo pa't na-diagnose na may cancer ang kanyang ama noong nag-aaral pa ito.


Ito ang nagtulak sa kanya na balikatin ang responsibilidad ng kanyang pamilya at maghanap ng trabaho sa ibang bansa.


Si Freilyn ay dating dental nurse at nag-aral maging Laser technician para makapagtrabaho sa UAE dahil wala siyang sapat na ipon at hindi natuloy ang plano niyang pakasalan ang kanyang fiancee.



Kaya laking tuwa at pasasalamat niya ngayon sa malaking halagang matatanggap niya dahil secured ang pamilya niya sa loob ng 25 years.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento