Tiktoker, Kumita Ng Halagang Php150k Sa Livestream!

Biyernes, Oktubre 6, 2023



Ano ang magagawa mo para sa iyong pamilya at para sa iyong pangarap. Libu-libong netizens ang humahanga sa isang tiktoker mula sa Antipolo, Rizal na si  Adrian o mas kilala bilang Taypeng.


Kumakalat ngayon ang isang video clip na ibinahagi ng isang Facebook uploader kung saan mapapanood mo kung gaano siya naging emosyonal nang makatanggap siya ng sunud-sunod na regalo na umabot sa halagang 150,000 pesos ang kinita niya sa pamamagitan ng pag-tiktok live.


Hindi alam ng lahat na ang iba ay gumagawa ng iba't ibang pakulo sa social media para kumita at walang na silang pakialam sa hiya basta kumita lang ng disente.



Kilala rin si Taypeng sa pag kending at pag tahol sa harap ng camera para aliwin ang kanyang mga video.


Subalit sa kabila ng mga ito, hindi pa rin maiiwasan na makatanggap siya ng mga panghuhusga ngunit tila marami ang gustong tumahol na lang sa tiktok ngayon dahil sa karanasan ni Taypeng.


Ito ay matapos siyang makatanggap ng Lion na nagkakahalaga ng 29,999 pesos at isang Lion na may baby lion na nagkakahalaga ng 34,000 pesos.



Makikita sa video na halos hindi siya makapaniwala at ang tanging nagawa niya ay umiyak sa harap ng mga manonood.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento