Kathryn Bernardo at Nadine Lustre Magsasama Sa Isang Proyekto?!

Linggo, Oktubre 8, 2023


Posibleng magsama sa isang proyekto ang dalawang award winning actress na sina Kathryn Bernardo at Nadine Lustre.


Ito ay matapos mag-viral ang fan na ginawang video ng isang tiktok user kung saan nabigyan ng pagkakataon ang film production company na Viva Films na gumawa ng pelikula ng dalawa.


Sa tiktok video na ito, mapapanood ang pinag-uugnay na mga eksenang paghaharap ng dalawang malalaking aktres.




Mapapanood ang bahagi ng 2016 confrontation scene na Barcelona: Love Untold na pinagbibidahan ni Kathryn at 2018 film na Never Not Love You na pinagbibidahan ni Nadine.


"The collab that we deserve #nathryn" sabi ng caption ng video. Makikitang maraming fans ang sumang-ayon sa post, pero umagaw ng atensyon ang komento ng Viva Films, kung saan nag-tag pa ito ng Star Cinema.


Dahil diyan, mas excited ang fans at may ilan sa kanila na umaasa na magkatrabaho sila sa future movie ng dalawa. Tila naalala rin ng iilan ang tandem ng mga batikang aktres na sina Nora Aunor at Vilma Santos.




Wala pang opisyal na pahayag ang Viva Films at Star Cinema patungkol sa magiging proyekto nina Kathryn at Nadine.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento