Advertisement

Responsive Advertisement

“THE PESO IS WEAK RIGHT NOW DAHIL MAY KRISIS SA BANSA” PRESIDENTIAL SON SANDRO MARCOS DUMEPENSA KAY PBBM SA PAGBAGSAK NG PISO

Huwebes, Mayo 7, 2026

 


Ipinagtanggol ni Ilocos Norte Congressman at presidential son Sandro Marcos si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kaugnay ng patuloy na paghina ng piso at pagtaas ng presyo ng langis sa bansa.


Ayon kay Sandro Marcos, hindi raw dapat isisi sa Pangulo ang kasalukuyang sitwasyon dahil ang pangunahing dahilan nito ay ang umiiral na global oil crisis na nakaaapekto hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa iba’t ibang bansa sa buong mundo.


Diretsahan niyang ipinaliwanag na ang pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo ay may direktang epekto sa halaga ng piso at sa kabuuang ekonomiya ng bansa. Kapag tumataas umano ang presyo ng langis sa pandaigdigang merkado, tumataas din ang gastusin sa transportasyon, pagkain, at iba pang pangunahing bilihin.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento