Tiwala si Senadora Risa Hontiveros na magiging mabuti para sa Senado kung si Senador Sherwin “Win” Gatchalian ang magiging susunod na Senate President.
Sa gitna ng mga usap-usapan tungkol sa posibleng pagpapalit ng liderato sa Senado, sinabi ni Hontiveros na nakikita niya kay Gatchalian ang pagiging seryoso sa trabaho at ang pagpapahalaga sa dignidad at reputasyon ng institusyon.
“That would be good for the Senate. Si Senador Win Gatchalian ay seryosong legislator at pinahahalagahan niya ang dignidad at reputasyon ng Senado. Sa panahong kailangang ibalik ang tiwala ng publiko, mahalaga ang lider na kayang magdala ng seryosong pamumuno at respeto sa institusyon.”

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento