Kinumpirma ni PNP chief Police General Jose Melencio Nartatez Jr. na pinakilos na ang mga tracker team ng Philippine National Police upang hanapin at maisilbi ang arrest warrant laban kay Senador Ronald “Bato” Dela Rosa.
Inatasan ng PNP chief ang lahat ng police units na hanapin at isilbi ang warrant laban kay Dela Rosa matapos ang direktiba kaugnay ng warrant mula sa International Criminal Court.
“Pinakilos na ang tracker teams ng PNP upang hanapin at maisilbi ang arrest warrant laban kay Senador Ronald ‘Bato’ Dela Rosa. Ang tungkulin ng pulisya ay sumunod sa legal na direktiba at ipatupad ang batas nang walang pinipili.”

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento