Hindi naiwasan ni Senador Ping Lacson na madismaya sa nangyari sa Senado nitong Lunes, Mayo 11, matapos ang magkasunod na eksena: ang pag-upo ni Senador Alan Peter Cayetano bilang bagong Senate President at ang tensyon kaugnay ng umano’y paghabol kay Senador Ronald “Bato” Dela Rosa sa loob ng Senado.
"Any way you look at it, maski anong political persuasion ang pinanggagalingan mo, ang nangyari kahapon was ugly"
Sa kanyang pahayag, tinawag ni Lacson na “ugly” o napakapangit ang nangyari. Para sa kanya, hindi na mahalaga kung saang political side ka nakatayo. Kapag ang Senado mismo ang nagmistulang sentro ng gulo, habulan, at biglaang power shift, hindi ito magandang tingnan sa publiko.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento