Umiinit lalo ang tensyon sa Senado matapos ihain ni Senador Rodante Marcoleta ang mosyon upang ilagay si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa sa ilalim ng Senate protective custody habang kinahaharap nito ang posibilidad ng pag-aresto kaugnay ng kanyang papel sa war on drugs ng nakaraang administrasyon.
Sa plenaryo ng Senado nitong Lunes, walang senador ang tumutol sa mosyon ni Marcoleta, dahilan upang mas lalong umingay ang usapin tungkol sa legal at political protection para kay Dela Rosa.
Ayon sa senador, mahalagang mabigyan ng proteksyon si Dela Rosa habang ginagamit nito ang lahat ng legal remedies upang ipagtanggol ang sarili laban sa mga posibleng kaso at pag-aresto.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento