Matapos makumpirma ng International Criminal Court o ICC ang arrest warrant laban kay Senador Ronald “Bato” Dela Rosa, nanawagan si dating Senador Antonio Trillanes IV kay DILG Secretary Jonvic Remulla na bantayang mabuti ang senador habang nasa Senado. Direkta ang punto ni Trillanes: huwag hayaang makatakas si Bato, lalo na ngayong opisyal nang kinumpirma ng ICC ang warrant laban sa kanya.
Ayon sa ulat, ang warrant laban kay Dela Rosa ay unang inisyu nang lihim noong Nobyembre 6, 2025, at kalaunan ay kinumpirma ng ICC noong Mayo 11, 2026. Kaugnay ito ng umano’y crime against humanity of murder dahil sa papel ni Dela Rosa bilang dating hepe ng Philippine National Police noong kasagsagan ng drug war ng administrasyong Duterte.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento