Nanindigan si DILG Secretary Jonvic Remulla na hindi basta puwedeng ipatupad ng lokal na pulisya ang dokumentong hawak ni dating Senador Antonio Trillanes IV kaugnay ng umano’y arrest warrant ng International Criminal Court laban kay Senador Ronald “Bato” Dela Rosa.
Sinabi ni Remulla na ang hawak ni Trillanes ay “inactionable document” o walang silbi dahil hindi maaaring basta aksyunan ng DILG. Para kay Remulla, hindi sapat na may kopya ng warrant na hawak ang isang pribadong indibidwal o dating opisyal. Kailangang dumaan ito sa tamang opisyal na proseso bago ito ipatupad ng mga awtoridad.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento