Advertisement

Responsive Advertisement

"ANG PUNTO NI SEN. RISA AY KUMILOS AGAD AT MAG-IMBESTIGA" SEN. LACSON IGINIIT NA MALI ANG PAGKAINTINDI NI SEN. PIA SA 'PARANG WALANG NANGYARI' REMARK

Huwebes, Mayo 21, 2026

 



Dinepensahan ni Senador Ping Lacson si Senadora Risa Hontiveros kaugnay ng kontrobersyal nitong pahayag na tila “parang walang nangyari” matapos ang putukan sa Senado.


Ayon sa paglilinaw, hindi umano minamaliit ni Hontiveros ang takot at trauma ng mga senador, staff, at security personnel na nasa loob ng Senado noong mangyari ang insidente.  Ang punto raw nito ay kuwestiyunin kung bakit tila hindi agad kumikilos ang Senate leadership para seryosohin at imbestigahan ang nangyaring kaguluhan. 


“Ang punto ni Sen. Risa ay hindi para maliitin ang takot ng mga nasa Senado. Ang kanyang hinahamon ay ang leadership: kumilos agad, imbestigahan nang tama ang nangyaring kaguluhan, at huwag umakto na parang walang kailangang panagutan.”

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento