Advertisement

Responsive Advertisement

"NANG MAKITA NIYANG MAY INSERTIONS NA HINDI MALINAW, PINIGILAN NIYA AGAD" REP. TOBY TIANGCO IGINIIT ALAM NG PANGULO ANG KUWESTIYONABLENG BUDGET INSERTIONS

Martes, Nobyembre 25, 2025

 



"Alam ng Pangulo ang mga insertions, Nagising ang atensyon ng publiko matapos maghayag si Navotas Representative Tobias “Toby” Tiangco na alam umano ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang tungkol sa mga budget insertions na ipinapasok sa nakaraang pambansang budget.


Ayon kay Tiangco, hindi raw nagbulag-bulagan ang Pangulo noong makita ng executive branch na may ilang bahagi ng pondo ang “questionable.” Dahil dito, mismong si Marcos Jr. ang nagdesisyon na huwag munang ipalabas ang mga pondong ito hangga’t hindi malinaw ang kanilang pinagmulan at layunin.


“Ayaw ng Pangulo na may niloloko sa pera ng bayan. Kaya noong makita niyang may insertions na hindi malinaw, pinigil niya agad" -Rep. Toby Tiangco


Paliwanag ni Tiangco, bahagi ito ng pangangalaga sa pondo ng bayan. Importante raw na bago gumastos o mag-apruba ng budget, siguraduhing walang bahid na anomalya o labis-labis na insertions na hindi tugma sa pangangailangan ng ordinaryong mamamayan." Rep. Toby Tiangco Budget Insertions


Sa gitna ng isyu ng budget insertions, lumalabas na hindi simpleng pag-apruba ang nangyari. Kung totoo ang sinabi ni Tiangco, ipinapakita nito na mismong si President Marcos Jr. ay nagbantay at kumilos upang pigilan ang anumang kahina-hinalang galaw sa pondo ng bayan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento