Nagpaulan ng patutsada si Senator Panfilo “Ping” Lacson sa social media matapos mag-post ng isang cryptic message sa kanyang Instagram account nitong Huwebes, Oktubre 2, 2025, na pinaniniwalaang patama kina Dasmariñas, Cavite Representative Kiko Barzaga at Senator Rodante Marcoleta.
Walang binanggit na pangalan ang dating senador, pero mabilis itong umani ng atensyon mula sa netizens at mga tagasuporta matapos niyang sabihin:
“Help! Is there a veterinary clinic with an animal psychiatric ward? We have a crazy cat that keeps meowing on the ground floor and an annoying dog that keeps barking on the upper floor.”
Agad na nag-viral ang nasabing post dahil marami ang naniniwala na ang “crazy cat” ay patungkol kay Rep. Kiko Barzaga, habang ang “annoying dog” naman ay tumutukoy kay Sen. Rodante Marcoleta — dalawang personalidad na matagal nang kaengkuwentro ni Lacson sa isyu ng flood control anomalies at iba pang kontrobersiyang politikal.
Si Barzaga ay isa sa mga pinakamatingding kritiko ni Lacson matapos nitong ibahagi sa kanyang Facebook page ang isang larawan ng senador kasama ang mag-asawang Sarah at Curlee Discaya, na konektado umano sa mga proyekto ng pamahalaan.
Samantala, si Marcoleta naman ay madalas makasagutan ni Lacson sa loob ng Senado, lalo na pagdating sa mga pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee, kung saan isinasangkot ang ilang mambabatas sa mga anomalya sa flood control projects.
Sa gitna ng lumalalang mga isyu ng korapsyon, anomalya, at bangayan sa gobyerno, muling ipinakita ni Sen. Ping Lacson na hindi siya takot magsalita, kahit pa sa pamamagitan ng mga patutsadang may halong humor at sarcasm.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento