Advertisement

Responsive Advertisement

SAM VERZOSA, BINATIKOS MATAPOS UMAMIN NA MAY MAHIGIT 30 LUXURY CARS COLLECTION

Miyerkules, Setyembre 3, 2025


 

Muling naging usap-usapan online si Sam Verzosa, negosyante, politiko, at boyfriend ng aktres na si Rhian Ramos, matapos lumutang ang isang lumang panayam kung saan inamin niyang nagmamay-ari siya ng mahigit 30 luxury cars.


"Alam kong marami ang nagtatanong, pero malinaw kong masasabi na lahat ng naipundar ko ay mula sa negosyo at pagsusumikap. Hindi ko intensyon na ipagyabang, kundi bahagi lang ito ng aking personal na buhay." -Sam Verzosa


Isang spliced 15-second video clip mula sa March interview niya kay Julius Babao ang muling kumalat sa Facebook, kung saan makikita si Verzosa na diretsahang sumagot nang tanungin kung ilan ang kanyang kabuuang sasakyan. “How many cars do you own in total?” tanong ni Babao. Agad itong sinagot ni Verzosa ng, “More than 30.”


Kasama sa clip ang ilang kuha ng kanyang mansion kung saan makikita ang mga puting luxury cars na nakaparada. Dahil dito, mabilis na nag-init ang social media, at maraming netizens ang nagbigay ng kanya-kanyang opinyon may ilan ang namangha, ngunit marami rin ang nagtanong kung saan nanggagaling ang ganitong uri ng yaman, lalo na’t nasa politika na rin si Verzosa.


Bagama’t hindi malinaw kung anong konteksto ang kabuuan ng panayam, hindi na nakapagtataka na muling umalingawngaw ang isyung ito sa gitna ng mga kontrobersiya tungkol sa korapsyon at pribilehiyo ng ilang personalidad.


Ang paglabas muli ng viral clip ni Sam Verzosa ay nagbigay-daan sa sari-saring reaksyon ng publiko mula sa paghanga sa kanyang kayamanan hanggang sa pagtatanong tungkol sa pinagmulan nito. Sa isang bansang maraming mamamayan ang nahihirapan sa araw-araw na gastos, ang mga ganitong eksena ng karangyaan ay madaling mag-udyok ng diskusyon tungkol sa pribilehiyo, transparency, at pananagutan ng mga nasa puwesto.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento