Advertisement

Responsive Advertisement

MINDANAO NETIZENS, NANAWAGAN NG BOYCOTT SA MCDONALD’S DAHIL SA JOKE NI VICE GANDA LABAN KAY DUTERTE

Lunes, Agosto 11, 2025

 



Umuugong ngayon sa social media ang panawagan ng ilang taga-Mindanao na i-boycott ang McDonald’s, matapos magbitaw ng kontrobersyal na biro si Vice Ganda laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa isang concert kasama si Regine Velasquez.


Sa nasabing palabas, sinabi ni Vice Ganda:

“Nothing beats a jet ski holiday! Ride now from Manila to West Philippine Sea by jet ski! Get unlimited water bombing from Chinese vessels and a free trip to The Hague by ICC! Promo applies to DDS only! Pinklawans and BBMs are prohibited. ’Wag niyo akong subukan mga putng ina niyo!”*


Bagama’t may ilan sa audience na natuwa at pumalakpak, hindi ito nagustuhan ng mga Duterte loyalists, lalo na mula sa Mindanao. Ayon sa kanila, lumampas na sa linya ang komedyante at ipinakita umano nito ang kawalan ng respeto sa dating pangulo.


"Bilang komedyante, lagi kong layunin ay magpatawa at magpasaya. Naiintindihan ko na hindi lahat ng biro ay matatanggap ng lahat, at kung may nasaktan man, wala akong intensyon na mang-insulto." -Vice Ganda


Isang kilalang vlogger mula sa Mindanao ang nanguna sa panawagan sa Facebook:


“Taga-Mindanao, no McDonald’s for now. Until Vice Ganda is fired! Kung mahal mo si Tatay Digong Rody Duterte, huwag natin suportahan ang mga promotion ni Vice Ganda.”


Marami ring netizens ang sumang-ayon at nagkomento:


“Jollibee or KFC pud ko, dili ko hilig McDo.”

“Jollibee is waving.”

“Same here, Butuan City area.”

“Boycott McDonald’s and Vice Ganda. Lumaki na ang ulo. Bastos, walang respeto.”

“Same with us here in Cebu.”


Dahil dito, lumalawak ang kampanya ng mga pro-Duterte supporters na huwag suportahan ang mga produktong may kaugnayan kay Vice Ganda, lalo na ang mga brand na ine-endorso niya gaya ng McDonald’s.



Muling pinatunayan ng social media na mabilis kumalat ang mga panawagan para sa boycott kapag may personalidad na umani ng matinding reaksyon mula sa publiko. Sa kasong ito, naging sentro si Vice Ganda matapos ang kanyang kontrobersyal na biro laban kay dating Pangulong Duterte. Kung lalawak pa ang boycott na ito, posibleng maapektuhan ang mga kumpanyang konektado sa kanya.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento