Advertisement

Responsive Advertisement

"PINATAWAD KO NA SILA" – MARIAN RIVERA, INAMING SIYA MISMO ANG UNANG LUMAPIT PARA MAGKIPAGBATI

Biyernes, Hunyo 20, 2025

 



Sa isang tapat at bukas na panayam ni Karen Davila, inamin ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera na isa-isa na niyang tinuldukan ang mga hindi pagkakaunawaan sa mga babaeng kanyang nakaalitan noon. Bagama’t hindi detalyado kung sinu-sino ang tinutukoy niya, kapansin-pansin ang pagbabago sa kanyang pananaw.


“Parang oo. Pag nakikita ko sila, naiiilang sila kasi alam nila ang sitwasyon kung bakit ko ginawa 'yun sa kanila, I’m trying to be civil. Ayokong dalhin ang bigat ng nakaraan. Ang pagpapatawad, hindi lang para sa kanila, kundi para sa sarili ko rin.” ani Marian.


Hindi rin niya ikinaila na sa mga pagkikitang iyon ay nagsusumikap siyang maging mahinahon at maayos ang pakikitungo. Sa katunayan, may pagkakataon pa raw na siya mismo ang nagpakumbaba at nagsabi ng:


“Pinapatawad na kita.”


Ang inamin ni Marian ay patunay ng kanyang personal na paglago bilang isang tao at bilang isang babae. Sa kabila ng kanyang kasikatan at lakas ng personalidad, pinili niyang ibaba ang pride at iabot ang kamay ng kapatawaran. Ipinapakita nito na kahit sino pa tayo artista man o hindi lahat ay may kapasidad na magbago at magpatawad. Isang paalala na ang tunay na kagandahan ay hindi lang nasusukat sa panlabas na anyo, kundi sa kababaang-loob at bukas na puso.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento