Advertisement

Responsive Advertisement

CLAUDINE BARRETTO, MAGHAHAIN NG KASO LABAN SA KAPATID DAHIL SA BANTA AT MALISYOSONG PARATANG

Martes, Hunyo 17, 2025

 



Hindi na nanahimik si Claudine Barretto matapos umanong makatanggap ng mga banta mula sa kanyang kapatid na si Mito Barretto. Ayon sa aktres, tinakot siya nito na isisiwalat diumano ang umano’y paggamit niya ng ipinagbabawal na gamot at magbibigay ng paninira sa media laban sa kanya.


“Respect is earned. And I’m suing. Hindi ako papayag na apihin o takutin ninuman, kahit kadugo ko pa.” -Claudine Barretto


Sa panayam nina Direk Chaps Manansala at showbiz columnist Jobert Sucaldito, ibinahagi ni Claudine na takot na siya hindi lang para sa sarili kundi pati na rin sa kanyang mga anak.


“Ayaw ko na sanang ilabas ito,” ani Claudine.

“Pero kapag buhay mo na o reputasyon mo ang binabantaan, kailangan mo nang lumaban. Natatakot ako para sa sarili ko at sa mga anak ko.”


Nagsampa na umano ng cease-and-desist letter si Claudine, pero patuloy pa rin siyang tinatawagan ng mga hindi kilalang numero—isang bagay na lalo raw nagdulot ng takot sa kanya.


Kasabay nito, itinanggi rin ni Claudine na siya ang source ng kontrobersyal na balita mula sa vlog ni Cristy Fermin, kung saan pinangalanan si Marjorie Barretto na nawalan ng pandinig matapos umano siyang saktan ng dating partner na si Dennis Padilla.


“Hindi ako ang source. Hindi ko kakampihan si Dennis kahit kailan sa ganyang bagay. Pero hindi naniwala sa akin ang kuya ko,” paliwanag ni Claudine.


Ayon pa sa aktres, nasaktan siya lalo na’t matagal din daw siyang tumulong sa kapatid, mula sa pagpapaaral ng mga pamangkin hanggang sa pagbabayad ng renta sa kanilang bahay.


“Ayokong manumbat, pero kapag sobrang sakit na ng sinasabi n’yo, gusto ko lang kayong paalalahanan,” dagdag ni Claudine.


Ngayon, handa na siyang magsampa ng kaso, dala na rin ng suporta ng kanilang inang si Inday Barretto at ng iba pa nilang mga kapatid.


“Hindi na ako ‘yung Claudine na puwede ninyong apihin. Kahit kuya ka pa, o ate, o kahit sino ka pa. Wala akong utang na loob sa inyo kayo ang may utang sa akin,” buwelta niya.


Hindi madali para kay Claudine Barretto na humantong sa ganitong sitwasyon lalo na’t kadugo ang kanyang kakasuhan. Ngunit sa gitna ng mga banta sa kanyang buhay at dignidad, pinili niyang tumindig at ipaglaban ang sarili at ang kanyang pamilya.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento