Sa isang viral na panayam, Boss Toyo, kilalang online personality at content creator, ay muling hinangaan ng netizens matapos niyang magbigay ng makabuluhang payo kay Rosemarie Peligrino o mas kilala bilang "Imburnal Girl" isang kabataang nasangkot sa kontrobersya at paggamit umano ng ipinagbabawal na gamot.
“Wala akong karapatang husgahan kayo kasi alam ko kung anong pinagdadaanan niyo. Pero may karapatan akong magpayo kasi ako mismo, dinaanan ko yan. At kung nakaya kong bumangon, kaya niyo rin.” -Boss Toyo
Sa kanyang mensahe, hindi nagkunwari si Boss Toyo. Aminado siya na dati rin siyang gumamit ng droga noong kabataan niya, pero sinabi niyang malaki ang ipinagbago ng buhay niya nang siya'y tumigil.
“So, noong tinigil ko yun at naghanap ako ng bagong buhay, naging maayos ang buhay ko,” kwento niya.
Kaya't ngayong isa na siyang matagumpay na negosyante at influencer, ginamit niya ang pagkakataon upang hikayatin si Rosemarie at iba pang kabataan na lumilihis ng landas na itigil na ang maling bisyo habang maaga pa.
“Sabi ko, 'Tigilan niyo na 'yan hangga't bata pa kayo. Hindi pa huli ang lahat,’” dagdag pa ni Boss Toyo.
Ang naturang pahayag ay umani ng papuri mula sa mga netizen, na nagsabing mas nakakabigat ang mensahe dahil nagmula ito sa taong naka-experience din ng parehong landas pero nakabawi at umangat sa buhay.
Hindi man perpekto si Boss Toyo, ginagamit niya ang kanyang karanasan para maging gabay sa iba lalo na sa mga kabataang tulad ni Rosemarie Peligrino. Sa halip na husgahan, pinili niyang magbigay ng pag-asa at direksyon. Ang kanyang kwento ay patunay na kahit sino ay pwedeng magbago at umasenso, basta’t may desisyong ayusin ang sarili at iwanan ang maling landas.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento