Hindi na napigilan ni Willie Revillame ang kanyang damdamin matapos matapos ang 2025 elections at matalo sa pagkakandidato bilang senador. Sa isang matapang na pahayag, ibinulalas niya ang kanyang saloobin laban sa mga taong tumutuligsa sa pagtakbo ng mga artista sa pulitika.
Ayon kay Revillame, hindi raw makatarungan na sabihan ang mga artista na hindi karapat-dapat magsilbi, gayung sa maraming aspeto ng buhay, sila rin naman ang hinahanap at pinapahalagahan ng publiko.
“Pag kampanya, hinahanap niyo artista. Pag nanonood kayo ng sinehan, sino ba ang pinapanood niyo? Artista. Pag nakikinig kayo ng music, sino pa ang pinakikinggan niyo? Entertainer,” ani Kuya Wil.
“Tapos pag tumakbo na kami, pag gusto naming magserbisyo, ayaw niyo? That’s a lot of nonsense. I can’t believe this.”
Ipinunto ni Willie na tulad ng iba, may kakayahan ding maglingkod ang mga artista, lalo na kung may puso para sa serbisyo. Aniya, hindi kasikatan ang puhunan, kundi malasakit, at ang kanilang karanasan sa pakikisalamuha sa masa ay isang malaking bentahe sa tunay na pamumuno.
Ang naging pahayag ni Willie Revillame ay hindi lang hinaing ng isang artistang natalo, kundi sigaw ng pagkabigo sa tila hindi patas na pagtingin ng ilan sa mga celebrity na nais pumasok sa serbisyo publiko. Sa halip na husgahan agad, dapat bigyang pagkakataon ang sinumang may sincerong layunin na tumulong sa bayan—artista man o hindi.
Sa kanyang paninindigan, muling pinapaalala ni Kuya Wil na ang serbisyo ay para sa lahat ng may malasakit—hindi lang para sa iilan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento