Walang kapantay ang lakas ng Duterte political clan sa Davao City matapos manguna ang lahat ng limang miyembro ng pamilya sa kani-kanilang laban sa 2025 midterm elections, ayon sa partial at unofficial results mula sa COMELEC Transparency Media Server nitong Mayo 13, 12:38 a.m.
Kahit kasalukuyang nakakulong sa The Hague, Netherlands, nananatiling makapangyarihan si dating Pangulong Rodrigo Duterte. Siya ngayon ang nangunguna sa pagka-alkalde ng Davao City matapos makakuha ng 646,275 boto, habang ang kanyang pinakamalapit na kalaban na si dating Cabinet Secretary Karlo Nograles ay may 79,750 boto lamang — halos 8x ang lamang.
“Tiwala ng mga Davaoeño pa rin ang nagsasalita. Salamat sa inyong paniniwala,”
— Rodrigo Duterte (via legal spokesperson)
Hindi rin nagpahuli si Sebastian “Baste” Duterte, na tumatakbo naman bilang bise alkalde. Nangunguna siya ngayon na may 635,224 boto, habang si Councilor Bernie Al-Ag ay may 77,813 boto pa lang.
Si Rep. Paolo “Pulong” Duterte, panganay na anak ng dating pangulo, ay malapit nang ma-re-elect bilang kinatawan ng 1st District ng Davao City. Nakakuha siya ng 199,114 boto, habang ang karibal niyang si Rep. Margarita “Migs” Nograles ay may 48,187 boto lang.
Omar Duterte, anak ni Pulong – Nangunguna sa 2nd District congressional race na may 160,388 boto
Rodrigo “Rigo” Duterte II – Malapit nang manalong konsehal sa 1st District matapos magtala ng 188,324 boto
Sa kabila ng kontrobersya at mga batikos, pinatunayan ng resulta ng halalan na solid pa rin ang suporta ng Davao City sa pamilya Duterte. Ang dating pangulo, kahit nakakulong sa ibang bansa, ay nangunguna pa rin sa pagka-alkalde. Ang kanyang mga anak at apo naman ay may malalaking kalamangan sa kani-kanilang laban.
Bagama’t may agam-agam ang ilan tungkol sa political dynasty, malinaw sa boto ng masa na malalim ang tiwala ng Davaoeño sa Duterte brand of leadership. Sa mga susunod na araw, aantabayanan kung tuluyang maisusula
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento