Advertisement

Responsive Advertisement

“HINDI ITO PAALAM!” CYNTHIA VILLAR NAGLABAS NG DAMDAMIN MATAPOS ANG PAGKATALO

Miyerkules, Mayo 14, 2025


 

Tinanggap ni Senador Cynthia Villar ang kanyang pagkatalo sa congressional race sa Las Piñas City, kung saan tinalo siya ng independent candidate at incumbent Councilor Mark Anthony Santos sa halalan. Sa kabila ng pagkabigo, nagpakita ng kababaang-loob at determinasyon si Villar na ipagpatuloy ang kanyang paglilingkod, kahit wala na sa posisyon.


Batay sa partial at unofficial results, nakakuha si Mark Anthony Santos ng 108,206 boto, habang si Villar ay nagtala ng 78,526 boto. Dahil dito, opisyal na siyang idineklara bilang nanalong kinatawan ng Las Piñas ng City Board of Canvassers nitong Martes ng umaga.


Sa isang pahayag sa kanyang opisyal na Facebook page, ipinahayag ni Villar ang kanyang taos-pusong pasasalamat sa mga sumuporta sa kanyang kampanya.


“Bagamat hindi tayo pinalad sa halalan, taos-puso ang aking pasasalamat sa inyong suporta at tiwala,” ani niya.

“Ang paglilingkod sa inyo ay hindi dito nagtatapos.”


Ipinangako rin niya na magpapatuloy siya sa pagsusulong ng mga programang makatutulong sa bayan, lalo na sa larangan ng agrikultura, kabuhayan, at kalikasan—mga isyung matagal na niyang tinututukan.


“Hindi ito paalam – ito ay pagpapatuloy ng ating pagmamahal at serbisyo sa bawat Las Piñero,” dagdag pa ni Villar.


Ang pagkatalo ni Cynthia Villar ay patunay na walang kasiguruhan sa pulitika, ngunit ipinakita rin nito na ang tunay na lider ay hindi sumusuko sa kanyang misyon, kahit wala sa puwesto. Sa halip na magpaalam, pinili niyang ipagpatuloy ang kanyang serbisyo sa iba’t ibang paraan, bitbit ang kanyang mga adbokasiya at pagmamahal sa bayan.


Ang mensahe niya ay malinaw: ang pagtulong at pagmamalasakit ay hindi natatapos sa halalan, at ang tunay na lingkod-bayan ay laging may puwang sa puso ng mamamayan—panalo man o talo.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento