Willie Revillame Ang Bagong Host at Papalit Sa Tahanang Pinakamasaya! Wowowin is Back?

Linggo, Marso 3, 2024

 


Sa pagtatapos ng Tahanang Pinakamasaya ng Tape Incorporated sa GMA7, si Willie Revillame ang tinutukoy na maaaring maging bagong mukha ng isang noontime show na ilulunsad. Sa pagkawala ng nasabing programa, lumutang agad ang pangalan ni Willie Revillame bilang posibleng host para sa bagong show na inaasahang makikipagsabayan sa iba pang noontime programs. 


Maraming netizens ang nagpahayag ng kanilang pagnanais na makita muli si Willie sa telebisyon, lalo na't kilala siya sa pagiging isang epektibong host na may malaking following at kakayahang magdala ng malaking audience. 



Dahil sa kanyang popularidad at napatunayan nang kakayahan, marami ang naniniwala na si Willie ang tamang tao para makipagtagisan sa Eat Bulaga at It's Showtime. Gayunpaman, ang desisyon ay nakasalalay pa rin kay Willie Revillame, na kilala sa kagustuhan na magkaroon ng kontrol at pagmamay-ari sa kanyang show, hindi lamang bilang host. 


Kung papayagan ito ng GMA at Tape, maaaring agad na maisakatuparan ang pagbabalik ni Willie sa noontime slot. Sa kabilang banda, ayon sa ulat ng Pep, ang posibleng utang ng Tape Inc. sa GMA7 ay umabot sa 800 milyong piso. Ibinunyag din na simula Marso 4, mga replayed episodes lamang ang ipapalabas hanggang sa opisyal na pagtatapos ng programa sa Marso 8.



Nagpahayag din ng pagsisisi ang GMA at Tape Inc. sa pagkawala ng original Dabarkads at Legendary Trio, na nagdulot ng malaking pagkalugi sa kanila dahil sa paglipat ng mga sponsors sa Eat Bulaga ng TVJ. 


Sa kasalukuyan, inuugnay ng mga netizens si Paolo Contis sa kontrobersiya dahil sa mga nauna niyang pahayag laban sa Legendary Trio, na itinuturing ng ilan bilang karma. Nakatakda ang GMA at Tape Inc. na maglabas ng opisyal na pahayag sa susunod na linggo upang ipaliwanag ang pagtigil ng Tahanang Pinakamasaya.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento