Beteran Aktres Pumanaw Na! Lahat Nag Iyakan at Di Makapaniwala Sa Nangyari!

Lunes, Marso 4, 2024

 


Nakakalungkot na balita ang pagpanaw ng kinikilalang aktres na si Jaclyn Jose sa kanyang tirahan sa Quezon City. Ang kanyang talent management ay nagbigay ng opisyal na pahayag kagabi tungkol sa insidente. "It's saddens us to inform everyone of the untimely passing of Miss Jaclyn Jose, real name Mary Jane Guck." 


"More details will be shared as soon as they are available. The Guck and Eigenmann families are requesting for everyone to please pray for the eternal repose of Miss Jaclyn Jose and for them to be allowed the respect and privacy to mourn their passing and navigate these difficult times." 


Sa kasalukuyan, ang mga tauhan ng scene of the crime operatives o SOCO ay dumating na sa lugar kung saan natagpuang pumanaw ang premyadong aktres. Ayon sa aming mga nakuhang impormasyon mula sa mga residente ng parehong village kung saan nakatira ang aktres, ang lugar ay naka-seal at napalibutan ng yellow tape. 


Naitala rin ang pagdating ni Coco Martin, direktor at producer ng seryeng "F.P.J. Batang Quiapo", kung saan gumanap si Jaclyn bilang si General Dolores Espinas. Nakita rin sa lugar si Cherry Pie Picache, na nakikipag-usap kay Coco at sa iba pang mga tao sa bahay. 


Si Jaclyn Jose, o Mary Jane Santa Ana Guck sa totoong buhay, ay nagsimula sa industriya ng showbiz noong dekada '80 at agad na nakilala dahil sa kanyang natatanging talento sa pag-arte. Sa kanyang karera, lumabas siya sa iba't ibang pelikula at telebisyon na nagpakita ng kanyang husay sa pagganap. 


Kabilang sa kanyang mga notable na pelikula ay "Private Show" (1985), "Itanong Mo sa Buwan" (1988), "Machete II" (1994), "Sarong Banggi" (2005), at "Ma' Rosa" (2016). Sa telebisyon, nakita siya sa "The Legal Wife" (2014), "Maalaala Mo Kaya", at marami pang ibang shows.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento