Ito Pala Ang Dahilan Bakit Tuluyan Ng Nagpaalam Si Lovi Poe Sa Batang Quiapo!

Sabado, Marso 2, 2024

 


"Mokang, magpapaalam na."


Lovi Poe, opisyal na nagbigay ng kanyang pamamaalam sa "FPJ: Batang Quiapo" kasunod ng pagtatapos ng kanyang papel sa serye. 



Ilang saglit lang matapos ang pag-ere ng kapanapanabik na eksena kung saan mamamaalam ang karakter ni Lovi Poe bilang Mokang sa "FPJ: Batang Quiapo," nagbahagi siya ng isang taos-pusong sulat sa mga kapwa niya nagtrabaho sa serye, lalo na kina Coco Martin, sir Deo, at sa ABS-CBN. 


Sa kanyang mensahe, sinabi ni Lovi na labis siyang nagpapasalamat na naging bahagi siya ng proyektong nagdadala ng pangalan ng kanyang ama, ito ang una at ito'y mananatiling espesyal sa kanya. 


Taos-puso ang kanyang pasasalamat kay sir Deo at sa ABS-CBN para sa pagkakataong ito. Binigyan siya ng isang bagay na kulang sa kanyang buhay. Dahil dito, lagi siyang may utang na loob. 


Ang malaking bahagi ng kanyang 2023 ay inilaan niya sa pagbibigay buhay sa isang karakter. Natutunan niyang mahalin ang pribilehiyong gumanap bilang Mokang. 



Si Mokang ay isang mandirigma at itinuro ni Mokang kay Lovi kung paano ang maging tunay na malaya. 


Hindi ito naging madaling desisyon para kay Lovi, ngunit napagdesisyunan niya ng lumipat sa susunod na kabanata. 


Sa kanyang Batang Quiapo team, walang hanggan ang kanilang kreatibidad at imahinasyon at alam niyang patuloy silang aangat. Palagi siyang magiging tagasuporta nila mula sa malayo. 


Sobrang mamimiss niya ang mga ito. Sa kanyang minamahal na Tagapagtanggol, baka sa ibang buhay nalang. Kay Direk Coco, ang legasiya ng kanyang ama ay nasa mabuting kamay. 



Nagpasalamat siya dahil itinutuloy ito ni Coco. Palagi siyang isa sa mga tagahanga nito. Pinakiusapan rin niya si Coco na matulog rin at magpahinga. 


Sa mga nagmamahal kay Mokang, mahal na mahal ko rin daw niya ito. Pinasalamatan niya ang kanyang mga tagasuporta. Sa huling sulat, inihayag niya ang katagang 'Mokang, now signing off'.





Walang komento:

Mag-post ng isang Komento