Detalye sa Pagkadiskubre kay Jaclyn Jose na Wala nang Buhay sa Bahay nito sa Quezon City

Lunes, Marso 4, 2024

 


Nakakalungkot na balita ang yumakap sa industriya ngayong araw dahil sa biglaang pagyao ng kinikilalang aktres na si Jaclyn Jose noong Marso 3. Ang kanyang pagpanaw ay kinumpirma ng PPL Entertainment, ang management company na humahawak sa kanya, sa edad na 59. 


Sa isang pahayag sa social media, sinabi ng kompanya, "It saddens us to inform everyone of the untimely passing of Miss Jaclyn Jose. Real name Mary Jane Guck."


"More details will be shared as soon as they are available. The Guck and Eigenman families are requesting for everyone to please pray for the eternal repose of Miss Jaclyn Jose and for them to be allowed the respect and privacy to mourn her passing and navigate this difficult times." 


Ang pagkamatay ni Jaclyn ay kinumpirma rin ng kanyang kaibigan at senador na si Jinggoy Estrada. Ayon sa ulat mula sa iba't ibang sources at news outlets, natagpuang wala nang buhay si Jaclyn sa kanyang tahanan sa Quezon City. 


Bago pa man siya matagpuang ganito ang kalagayan, sinubukan ng ilang kamag-anak na makipag-ugnayan sa kanya ngunit hindi siya sumasagot sa anumang tawag o mensahe. Dahil sa pangamba, nagpasya ang mga ito na silipin si Jaclyn sa kanyang bahay kung saan siya natagpuang patay na.


Sa ngayon, hindi pa rin malinaw ang eksaktong detalye ng kanyang pagkamatay at kung paano eksaktong natagpuan ang kanyang katawan. Ngunit, ayon sa ilang ulat, isang aksidente sa loob ng kanyang bahay ang nangyari sa aktres. Napaulat na nadulas siya sa banyo at nagtamo ng matinding tama sa ulo.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento