Andrea Brillantes, Hinirang Na Top 16 Sa “100 Most Beautiful Faces of 2023”!

Linggo, Disyembre 31, 2023

 


Ang taong 2023 ang taon kung saan pinuntirya ng kontrobersiya ang Kapamilya actress na si Andrea Brillantes at ngayon bago sumapit ang 2024, tila isang pagpapala at magandang balita ang natanggap ni Andrea matapos ang sunud-sunod na pagsubok na kanyang kinakaharap kamakailan.

Sa unang pagkakataon na pumasok si Andrea sa listahan ng 100 Most Beautiful Faces of 2023, ito ang taunang listahan ng magagandang personalidad sa buong mundo.

Kaya naman maraming netizens ang nag-aabang kung sino ang hihirangin bilang top 1 at base na rin sa inilabas na listahan ay nakapasok si Andrea sa Top 16. Agad na inulan ng papuri si Andrea Brillantes sa tagumpay na ito.



Narito ang mga komento ng mga netizens, “Yong tahimik lang siya pero ang lakas ng resbak niya, no doubt ganda talaga”

“Congratulations super beautiful andrea, iba talaga ang ganda ng isang andrea brillantes. God Bless you always we love, nakaka proud ka sa kabila ng panghuhusga at panlalait ng mga basher sayo patuloy ka pa rin kumikinang.”


“Love her or hate her, andrea brillantes is definitely one of industry’s finest celebrities today and also the most beautiful pinay face today. Haters iyak ka nalang, biktima din si andrea ng maling panghuhusga at pangkakaladkad niyo, wala rin nagawa ang panlilibak ninyo sa kanya”


Samantala, bagamat magandang balita ito para sa aktres, hindi pa rin nawawala ang mga negatibong komentong ibinato laban kay Andrea.


“Maganda naman sa panlabas, sa panloob talo. Maganda naman talaga siya. Wrong way lang paggamit. Wala sa ranking ang kagandahan nasa mga tao kung paano ka nirerespeto. ”

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento