Advertisement

Responsive Advertisement

"SUBUKAN PO NINYO MAG HEARING KAYO NG BLUE RIBBON" SEN. ERWIN TULFO IGINIIT NA SIYA LAMANG ANG LEHITIMONG BLUE RIBBON COMMITTEE CHAIRMAN

Sabado, Hunyo 6, 2026

 



Nagbabala si Senador Erwin Tulfo na ipapahuli niya ang mga senador na magsasagawa muli ng Blue Ribbon Committee hearing na hindi niya pinangungunahan bilang kinikilala niyang chairman ng komite.


“Subukan po ninyo, mag-hearing po kayo ng Blue Ribbon, kasi po hindi na po ako papayag na maghi-hearing-hearingan kayo diyan at I will have you arrested. I promise.”


Sinabi ni Tulfo nitong Biyernes na siya ang lehitimong chairman ng Senate Blue Ribbon Committee at siya lamang umano ang may kapangyarihang magpatawag ng legislative inquiry sa ilalim ng panel. Lumabas ang pahayag matapos magsagawa ang kampo ni Sen. Alan Peter Cayetano ng Blue Ribbon hearing noong Huwebes na pinangunahan nina Sen. Pia Cayetano at Sen. Rodante Marcoleta.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento