Itinuturing ng National Bureau of Investigation si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa bilang “armed and dangerous” sa ilalim ng standard operational protocols habang patuloy ang paghahanap sa kanya para maisilbi ang arrest warrant mula sa International Criminal Court.
Ayon kay NBI Director Melvin Matibag, awtomatikong pinapalagay ng law enforcement agencies na maaaring armado at delikado ang isang fugitive sa oras ng operasyon. Hindi raw ito personal na hatol kay Dela Rosa, kundi paraan para protektahan ang mga operatiba at maiwasan ang anumang kapahamakan.
Sinabi ni Matibag na pinaiiral ng NBI ang ganitong presumption habang nagpapatuloy ang verification at arrest operations.
“Sa mga operasyon laban sa fugitives from justice, standard protocol na ituring ang subject bilang maaaring armed and dangerous. Hindi ito personal na hatol, kundi pag-iingat para sa kaligtasan ng operatiba at publiko. Patuloy naming hahanapin si Senador Bato Dela Rosa at ipatutupad ang warrant ayon sa batas.”

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento