Advertisement

Responsive Advertisement

"NAGHIHINTAY ANG TAUMBAYAN" REP. PERCI CENDAÑA HINAMON ANG LAW ENFORCEMENT NA PAKIBILISAN ANG PAG-ARESTO KAY SEN. BATO

Biyernes, Mayo 22, 2026

 



Hinamon ni Akbayan party-list Rep. Perci Cendaña ang lahat ng law enforcement agencies na kumilos na at arestuhin sa lalong madaling panahon si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa.


Ayon kay Cendaña, matagal na itong hinihintay ng taumbayan, lalo na ng mga pamilyang naghahanap ng pananagutan kaugnay ng madugong drug war noong nakaraang administrasyon.


Lumakas ang panawagan matapos tanggihan ng Supreme Court ang hiling ni Dela Rosa na pigilan ang pagpapatupad ng arrest warrant mula sa International Criminal Court. 


“Hinahamon natin ang lahat ng law enforcement agencies: arestuhin na si Ronald ‘Bato’ Dela Rosa. Matagal na itong hinihintay ng taumbayan. Kung walang TRO na pumipigil, dapat kumilos na ang mga awtoridad at ipakita na walang makapangyarihang mas mataas sa batas.”

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento