Advertisement

Responsive Advertisement

"KUNG ANG PANGULO ANG MAG-UUTOS, AUTOMATIC NO CHOICE" NICOLAS TORRE HANDANG SUMAMA SA MANHUNT KAY SEN. BATO DAHIL PARTE PA RIN SIYA NG GOBYERNO

Biyernes, Mayo 22, 2026

 



Handang tumulong si MMDA General Manager Nicolas Torre III sa posibleng manhunt operation laban kay Senador Ronald “Bato” dela Rosa kung ito ay ipag-uutos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.


Ayon kay Torre, bahagi pa rin siya ng gobyerno kaya maaari siyang makiisa kung may direktiba. Nilinaw din niya na kung sakop ng MMDA area ang paghahanap, maaari silang tumulong, lalo na sa mga pampublikong kalsada at daluyan sa Metro Manila.


Diretsahan ang naging sagot ni Torre nang tanungin kung tatanggap siya ng special assignment mula sa Pangulo.


“Parte pa rin ako ng gobyerno. Kung ang Pangulo ang mag-uutos, automatic no choice. Basta sakop ng MMDA area, puwede kaming tumulong sa paghahanap. Hindi ito personal. Usapin ito ng proseso, sistema, batas, at trabaho.”

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento