Advertisement

Responsive Advertisement

"KAHIT SINONG SENATE PRESIDENT PA ANG NAKAUPO" SEN. HONTIVEROS KUMPYANSANG WALANG MAKAHAHADLANG SA IMPEACHMENT NI VP SARA

Martes, Mayo 12, 2026

 



Naniniwala si Senador Risa Hontiveros na walang dapat maging malaking balakid sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte kahit nakaupo na si Senador Alan Peter Cayetano bilang bagong Senate President. Para kay Hontiveros, hindi ito simpleng usapin ng kung sino ang namumuno sa Senado o kung sino ang may mas maraming kakampi. Ang mas mataas na batayan dito ay ang Konstitusyon.


Diretso ang punto: kapag naakyat na sa Senado ang Articles of Impeachment, tungkulin ng Senado na harapin ito. Hindi ito dapat gawing laro ng numero, delay tactic, o political rescue mission. 


Sa ilalim ng 1987 Constitution, ang Senado ang may kapangyarihang litisin at desisyunan ang lahat ng impeachment cases, at kapag umabot ang complaint sa kinakailangang bilang sa Kamara, ang trial sa Senado ay dapat umusad.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento